dzme1530.ph

Office of the President, nagbayad sa eroplanong naghatid kay FPRRD patungong The Hague, ayon sa DILG chief

Loading

Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ang Office of the President ang nagbayad sa chartered plane na nagdala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Gayunman, tumanggi si Remulla na sabihin kung magkano ang nagastos ng Opisina ng Pangulo sa naturang flight, at kung sino ang may-ari ng jet.

Ayon sa Kalihim, ang tanging alam niya ay nirentahan ang eroplanong ginamit ng dating Presidente, batay sa usable flying colors.

Hanggang sa kasalukuyan ay laman pa rin ng mga espekulasyon sa online, ang may-ari ng jet na ginamit sa pag-biyahe ni Duterte patungong The Hague.

Una na ring itinanggi ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang mga hinala sa social media na pag-aari niya ang Gulstream jet.

About The Author