dzme1530.ph

Paghahain ng kaso laban kay Rep. Barbers ng ilang socmed vloggers, kinondena ng Mindanao solon

Loading

Kinondena ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers ang ilang social media vloggers na nagsampa ng kasong libel at certiorari laban sa kanya sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Kumpiyansa ang kongresista na walang patutunguhan ang kaso dahil wala naman siyang pinangalanan na “narco-vloggers” sa kanyang talumpati o sa mga panayam.

Pasaring na lang nito, bakit pumapalag ang ilang social media content creators kung hindi naman sila guilty, na humantong pa sa pagsasampa ng kaso.

Nais lang aniya ng grupo na idiskaril ang imbestigasyon ng Tri-Comm hinggil sa paglaganap ng fake news, disinformation at misinformation online.

Ilan sa complainants sa QC Prosecutor’s Office ay sina Lorraine Badoy at Trixie Cruz-Angeles na ipinatawag sa Kamara subalit hindi sumipot.

Ang grupo din nina Badoy at Cruz-Angeles ang dumulog sa Korte Suprema para kuwestyunin ang kapangyarihan ng Tri-Comm sa ginagawa nitong imbestigasyon na umano’y paglabag sa freedom of expression.

About The Author