dzme1530.ph

Mga pasahero sa Paliparan pinag-iingat ng CAAP dulot ng mataas na temperatura

Loading

Pinapayuhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang lahat ng mga pasahero na manatiling cool at hydrated habang patuloy na tumataas ang temperatura dahil sa pagsisimula ng dry season sa bansa.

Batay sa datos ng PAGASA para sa limang araw na heat index mula Pebrero 28 hanggang Marso 3, tumaas sa pagitan ng 42 at 45°C ang temperatura sa mga Paliparan na piangangasiwaan ng CAAP.

Kasama sa mga apektadong lugar ang Tuguegarao City, Cagayan, Isabela, Virac, at Masbate.

Ngayong tag-init, naman ay inaasahan ang pagtaas ng bilang ng mga manlalakbay na inaasahang mag bakasyon, kung kaya’t hinihikayat ang mga itong maghanda para sa maalinsangang panahon.

Ayon sa CAAP, isa sa kanilang ipatutupad na hakbang ay ang paglagay ng karagdagang Malasakit Help Desk na handing tumulong sa air travellers.

About The Author