Tiniyak ni PhilHealth President at CEO Edwin Mercado na tatalima ang Philippine Health Insurance Corporation sa ruling ng Supreme Court hinggil sa kanilang budget.
Ang pahayag ni Mercado ay kasunod ng opinyon ni Supreme Court Associate Justice Antonio Kho na dapat ibalik ng administrasyon ang ₱60-B na ni-remit ng PhilHealth sa National Treasury noong 2024.
Sinabi ng PhilHealth Chief na naniniwala sila na patas ang proseso at bihasa sa mga batas ang mga mahistrado, kaya’t anuman ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ay kanilang susundin.
Sa oral arguments, iminungkahi ni Kho na marahil ay panahon na para baguhin ang board ng PhilHealth dahil sa hindi pagtalima sa itinatakda ng batas, partikular sa paggamit ng kanilang budget.