Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Dr. Edwin Mercado bilang bagong President at Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Inanunsyo ng malakanyang na nakapanumpa na sa pwesto si mercado sa harap ng pangulo ngayong araw ng Martes, Feb. 4.
Pinalitan niya bilang pinuno ng PhilHealth si Emmanuel Ledesma Jr..
Ayon sa Presidential Communications Office, si Mercado ay isang US trained orthopedic surgeon, at dati siyang naging Vice Chairman ng Mercado General Hospital / QualiMed Health Network.