dzme1530.ph

Mahigit 5,700 kaso ng mala-trangkasong sakit, naitala ng DOH ngayong Enero

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit 5,700 cases ng influenza-like illness sa unang buwan ng 2025.

Ayon sa DOH, simula Jan. 1 hanggang 18, umabot sa 5,789 cases ang tinamaan ng mala-trangkasong sakit.

Mas mababa ito ng 54% kumpara sa 12,620 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Isa naman ang naiulat na nasawi ngayong unang buwan ng taon kumpara sa 26 na nai-record noong January 2024.

Pinayuhan naman ng DOH ang publiko, lalo na ang mga senior citizen na ingatan ang kanilang kalusugan, kabilang na ang pagpapaturok ng flu vaccines. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author