Nanindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang blank items sa ₱6.326 Trillion 2025 national budget.
Sa kanyang talumpati sa 20th National Convention of Lawyers sa Cebu City, inihayag ng Pangulo na binasa niya ang lahat ng 4,057 na pahina ng 2025 General Appropriations Act.
Bagamat may mga vineto siyang ilang bahagi nito, sinabi ni Marcos na wala siyang nakitang anumang blangko.
Iginiit ni Marcos na hindi pinapayagan ang pagkakaroon ng blank items sa national budget.
Kaugnay dito, sinabi na lamang nito na patuloy nilang titingnan ang pambansang budget, at pinag-aaralan niya umano itong mabuti sa kanyang tanggapan taliwas sa pag-aakala ng marami na tanging handshakes at photo ops lamang ang ginagawa ng isang Pangulo.