dzme1530.ph

Kakapusan ng school principals, tinutugunan na ng DepEd

Pinupunan na ng Department of Education (DepEd) ang principal positions makaraang iulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na halos kalahati ng mga pampublikong paaralan ang walang principal.

Kinumpirma ni DepEd Undersecretary Willie Cabral ang shortage sa principals, bagaman mas mababa aniya sa 45% ang bilang ng mga eskwelahan na walang principal.

Sinabi ni Cabral na mayroon nang available na mga principal eligible na nasa 7,700 at nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Budget and Management para maihanda ang kanilang appointment at mabigyan na ng item.

Sa EDCOM 2 Year Two Report na inilathala noong Lunes, mula sa 45,199 DepEd schools sa bansa, 20,381 lamang ang mayroong principal habang 24,916 ang wala. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author