dzme1530.ph

PBBM, sasabak sa private meetings ngayong araw

Sasabak sa private meetings si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Biyernes, Enero 3.

Ito ang kinumpirma ng Presidential Communications Office.

Gayunman, hindi sinabi ng PCO kung sino ang mga makaka-meeting ng Pangulo.

Mababatid na pinaghahandaan na rin ng Chief Executive ang unang full Cabinet meeting ngayong taon sa susunod na linggo, kung saan tatalakayin ang legacy projects kabilang ang big-ticket projects at mga proyektong pinopondohan sa pamamagitan ng Official Development Assistance. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author