dzme1530.ph

Kawalan ng sapat na kaalaman, pangunahing sanhi pa rin ng pagiging biktima ng digital scams —DICT

Pangunahing sanhi pa rin ng pagiging biktima ng digital scams ng maraming Pilipino, ang kawalan ng sapat na kaalaman sa paggamit ng internet.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni Dep’t of Information and Communications Technology Spokesperson Assistant Sec. Renato Paraiso na pagdating sa mga scam, malaking problema pa rin ang ignorance o kapabayaan, kung saan ang mga biktima ay kung ano-ano na lamang ang kini-click o pinagpipipindot.

Pagdating naman sa hacking, iginiit ng DICT na hindi lamang pilipinas ang namomroblema rito dahil ito ay isang worldwide phenomenon.

Mas lumalaki pa umano ang hamon dito sa harap ng mabilis na pag-angat ng teknolohiya.

Kaugnay dito, pinaiigting pa ng DICT ang information drive at educational campaign sa tamang paggamit ng internet, upang maiwasan ang mga scam. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author