dzme1530.ph

PSC, nakared-alert na kasunod ng banta sa buhay ng Pangulo

Naka-red alert na ang Presidential Security Command kasunod ng banta ni Vice President Sara Duterte na ipapapatay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos.

Ngayong Lunes ng umaga, isa-isang iniinspeksyon ang lahat ng indibidwal at sasakyang pumapasok sa iba’t ibang gusali sa Malacañang Complex.

Hinigpitan na rin ang seguridad dito sa New Executive Building.

Una nang sinabi ng PSC na hinigpitan at pinaigting na ang kanilang security protocols kaakibat ng pakikipag-ugnayan sa law enforcement agencies upang mapigilan ang anumang banta sa Pangulo at sa First Family. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

 

About The Author