dzme1530.ph

Miyembro ng PAOCC na nangulimbat ng cellphone sa raid sa Bataan, nahaharap sa imbestigasyon

Isang miyembro ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang nahaharap sa administrative investigation.

Ito’y makaraang mabisto sa CCTV footage ang pagbubulsa nito ng isang cellphone sa isinagawang raid sa isang Business Process Outsourcing (BPO) Company sa Bataan.

Kinompronta pa ng may-ari ng cellphone ang PAOCC member at pilit na pinababalik ang kanyang telepono.

Kinumpirma ni PAOCC Executive Director, Usec. Gilbert Cruz na tauhan nila ang nagnakaw ng cellphone, kasabay ng pagtiyak na hindi nila ito kukunsintihin.

Sinalakay ng mga awtoridad ang Central One Bataan noong nakaraang buwan dahil sangkot umano ito sa scamming at illegal online gambling, na mariin namang itinanggi ng kumpanya. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author