dzme1530.ph

PNP may composite sketch na sa mga dumukot sa Amerikanong vlogger sa Zamboanga del Norte

Mayroon ng hawak na composite sketch ang Philippine National Police sa isa sa dalawang persons of interest sa pagdukot kay Elliot Eastman, isang American national, Huwebes ng gabi sa Sibuco, Zamboanga del Norte.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, kanilang tinitignan kung may kaugnayan sa Abu Sayaff o iba pang local terrorist group ang 2 POIs sa pagdukot sa dayuhan.

Dagdag pa ng opisyal, base ito sa naging salaysay ng mga testigo kung saan walang takip sa mukha ang isa sa apat na suspek sa pagdukot sa Amerikano.

Wala rin aniyang indikasyon na nakalabas na ng Zamboanga del Norte ang mga suspek kung kaya’t naglagay na ng border control ang mga otoridad sa nasabing lugar.

Patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa biktimang si Eastman gayundin ang manhunt operations para sa ikadadakip ng mga suspek. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author