dzme1530.ph

Bokal sa Bulacan at driver nito, patay sa ambush

Dead on the spot ang board member ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan at driver nito makaraang tambangan, sa Lungsod ng Malolos.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lulan ng SUV si Ramil Capistrano na siya ring pinuno ng Association of Barangay Captains, at driver nito nang pagbabarilin sila ng mga hindi nakilalang salarin, dakong ala-5:30 ng hapon, kahapon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo at posibleng nasa likod ng pananambang. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author