dzme1530.ph

PBBM, biyaheng Laos sa Oct. 8-11 para sa 44th at 45th ASEAN Summit

Biyaheng Lao People’s Democratic Republic (LPDR) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa susunod na linggo para sa 44th at 45th ASEAN Summit.

Sa press briefing sa Malacañang, inanunsyo ni Dep’t of Foreign Affairs Assistant Sec. for Asean Affairs Daniel Espiritu na aarangkada ang Lao trip mula Okt. 8 hanggang Okt. 11.

Inaasahang tatalakayin ng Pangulo at ng ASEAN Heads of State ang regional, international, at geopolitical issues na nakaa-apekto sa rehiyon, kabilang ang sitwasyon sa Myanmar, Gaza, Ukraine, at Korean Peninsula.

Pag-uusapan din ang pagsusulong ng renewable energy at zero emission.

Makikipagkita rin ang Pangulo sa ASEAN parliamentary members, ASEAN business leaders, at gayundin sa nasa 400 miyembro ng Filipino community sa Laos. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author