dzme1530.ph

PBBM, sumama ang pakiramdam matapos ang kaliwa’t kanang selebrasyon para sa kanyang birthday

Sumama ang pakiramdam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kaliwa’t kanang mga selebrasyon ng kanyang kaarawan noong nakaraang linggo.

Sa press briefing sa Malacañang, kinumpirma ni Health Sec. Ted Herbosa na “under the weather” ang Pangulo.

Sinabi ni Herbosa na dahil sa dami nang bumati sa Pangulo, maaaring may nakapagpasa o nakahawa sa kanya ng sakit.

Dahil dito, nakasuot ng face mask ang Pangulo sa sectoral meeting sa Malacañang ngayong araw.

Mababatid na noong nakaraang linggo ay binigyan ng birthday celebrations ang Pangulo sa mga pinuntahan niyang event, kabilang na sa nueva ecija.

Noong Biyernes ng gabi ay dumalo rin ito sa isang pribadong concert na inorganisa ng kanyang mga kaibigan, kung saan nag-perform ang English pop-rock band na Duran Duran. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author