dzme1530.ph

3 kadete ng PMA, hinatulang guilty ng Korte sa pagpaslang kay Darwin Dormitorio

Guilty ang hatol ng Baguio City Court sa tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) kaugnay ng pagpatay kay Darwin Dormitorio noong Sept. 2019.

Ayon sa kapatid ni Darwin na si Dexter, guilty beyond reasonable doubt sa kasong Murder at Hazing ang hatol ng Baguio Regional Trial Court Branch 5 kina Shalimar Imperial, Julius Tadena, at Felix Lumbag Jr.

Sinentensyahan ang tatlo ng reclusion perpetua o hanggang 40-taong pagkabilanggo.

Binawian ng buhay Dormitorio sa PMA Hospital noong Sept. 18, 2019, isang araw matapos itong ma-diagnose na may Urinary Tract Infection (UTI).

Wala itong malay at wala nang vital signs nang dalhin sa ospital habang tadtad ng mga pasa ang kanyang dibdib, tiyan, tagiliran, at likuran.

About The Author