dzme1530.ph

Sen. Villar, pabor na ‘di na dagdagan ang non-working holiday sa bansa

Pabor si Sen. Cynthia Villar na huwag nang dagdagan pa ang non-working holiday sa bansa.

Sinabi ni Villar na apektado ang trabaho sa gobyerno at ang mga pribadong kumpanya sa dami ng mga holiday sa bansa.

Nilinaw ni Villar na walang problema sa kanila ang working holiday dahil ito ay simpleng pagdiriwang lamang at walang epekto sa trabaho.

Una nang nilinaw ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na wala silang balak bawasan ang mga national holiday subalit wala na silang balak na dagdagan pa ito.

Katunayan sinabi ni Escudero na tatlong panukala ang kanilang inaprubahan para sa local holiday.

About The Author