dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati para sa kaarawan ni Malaysian PM Anwar Ibrahim

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kaarawan ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

Sa video message, inihayag ng Pangulo na ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Ibrahim ang nagpadali sa pagharap sa mga hamon sa ASEAN, at mula umano sa mga kantahan sa Karaoke, ngayon ay magkasama na silang nagsasalita sa bilateral at multilateral levels.

Nagsilbi rin umanong inspirasyon ang hindi natitinag na dedikasyon nito para sa Malaysia at ang nagkakaisa nilang mithiin para sa rehiyon.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na bagamat marami na silang pagsubok na napagtagumpayan ay marami pa ring dapat gawin, kaakibat ng patuloy na pagsusulong sa kanilang mga bansa tungo sa mapayapa at masaganang hinaharap.

Noong Aug.10 ay ipinagdiwang ni Ibrahim ang kanyang ika-77 kaarawan.

About The Author