dzme1530.ph

Isa pang lumubog na motor tanker sa Bataan, nadiskubre na mayroon ding oil leak

Mayroon ding nadiskubreng leaks ang Philippine Coast Guard (PCG) mula sa lumubog ding motor tanker na MTKR Jason Bradley.

Kinumpirma ng PCG ang presensya ng lumubog na barko sa katubigan ng barangay Cabcaben, sa Mariveles, Bataan.

Ang 39-meter na motor tanker ay may kargang “diesel cargo” na hindi pa batid ang dami, taliwas sa report ng shipping company na wala itong dalang kargamento.

Natapalan na ng Coast Guard divers ang leak, at inaalis na ng PCG Response Team ang diesel cargo sa tulong ng kinontratang salvor.

Idinagdag ng PCG na agad sisimulan ang imbestigasyon pagkatapos ng pagrekober sa cargo upang maiwasan ang mga negatibong epekto sa marine environment at mga kalapit na coastal community.

About The Author