dzme1530.ph

2024 Paris Olympics, nagsimula na

Opisyal nang nagsimula ang 2024 Paris Olympics, na nilahukan ng mga atletang kinatawan ng bawat bansa sa buong mundo.

Nagsilbing flag bearers ang mga boksingerong sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam na pinangunahan ang delegasyon ng Pilipinas.

22 Pilipinong atleta ang sasabak Olympics, na nagpakita ng kanilang kahandaan.

Sa opening ceremony, ibinida ng mga manlalarong Pinoy ang suot ng mga itong warrior-inspired Sinag Barong na idinesenyo ni Francis Libiran.

Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinagawa ang Parade of Nations sa Seine River kung saan nakasakay sa barko ang mga atleta.

1924 nang huling nag-host ang Paris ng Olympics o isang daan taon na ang nakalilipas.

Samantala, inabangan din ang pagtatanghal nina Celine Dion at Lady Gaga sa nasabing opening.

About The Author