Inactivate na ng Presidential Communications Office ang SONA website para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw ng Lunes, July 22.
Maa-access na ang website sa address na stateofthenation.gov.ph
Mapapanuod dito via livestreaming ang SONA ng Pangulo na magsisimula mamayang 4:00p.m. sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Maa-access din ang 2022-2023 President’s Report to the People, na pinamagatang “Bagong Pilipinas: One Nation, One People, Building a Better Future Together”.
Naglalaman din ito ng episodes ng Through the Lens o ang panayam sa ilang pinaka-mayayamang negosyante sa bansa at ang kanilang mga pananaw sa administrasyong Marcos.