dzme1530.ph

20 pang opisyal, miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity, pinakakasuhan

Inirekomenda ng National Bureau of Investigation ang pagsasampa ng kaso sa Department of Justice laban sa 20 opisyal at miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity dahil sa paglabag sa Anti-Hazing Law sa pagkamatay ng Adamson Student na si John Matthew Salilig.

Tatlong fratmen ang inirekomenda na maging star witness na nagbigay ng impormasyon sa NBI kabilang ang 250-page screen grabs ng group chat ng fraternity.

Sinabi ng NBI na kinilala nito ang mga fratmen na sangkot sa pagpaplano ng initiation, nag paddle kay Salilig, at ang mga sangkot sa paglipat ng kanyang bangkay sa isang bakanteng lote sa Cavite, kung saan siya inilibing at natagpuan.

Dinala rin sa Justice Department ang limang Persons of Interest (POI) na sumuko sa NBI, kabilang ang isang alyas  “Biggie,” na iginiit na imbitado lamang siyang bisita sa welcoming rites.

Matatandaang nitong Miyerkules, nakakita ng probable cause ang Government Prosecutors para kasuhan ang 7 miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity ng 2 counts ng Hazing.

About The Author