dzme1530.ph

POGO Hub sa Porac, Pampanga, pina-freeze assets ng PAOCC

Ipinag-utos ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pag-freeze at preservation ng assets sa buong compound ng Lucky South 99 Corporation sa Porac, Pampanga na pinaghihinalaang nagpapatakbo ng illegal Pogo Hub.

Sa Memorandum na may lagda ni PAOCC Chairman at Executive Secretary Lucas Bersamin, inatasan ang Anti-Money Laundering Council (AMLA) na mag-apply ng freeze order o asset preservation order mula sa korte.

Sasaklawin nito ang lahat ng assets sa loob ng compound ng Lucky South 99 Corporation.

Kabilang dito ang assets na nasa apatnapu’t anim na gusali sa loob ng compound at mga nakaparadang sasakyan.

Mababatid na sinalakay ng PAOCC ang Lucky South 99 na nag-ooperate nang walang lisensya at na-rekober ang mga video ng pag-torture sa ilang indibidwal at gayundin ang ilang Chinese Military uniforms.

About The Author