dzme1530.ph

Manibela on Independence Day: itigil ang panggigipit

“Ipaglaban ang karapatang ipinagkait nila”

Ito ang naging mensahe ng grupong Manibela sa ika-126 na taong paggunita ng Araw ng Kalayaan.

Para sa grupo, ang tunay na diwa ng kalayaan ay kalayaan mula sa panggigipit.

Kaugnay nito, ipinanawagan ng grupo na bigyan ng kalayaan ang mga miyembro nito na maghanap-buhay nang walang pag-aalinlangan at takot.

Ang Manibela ay binubuo ng mga tsuper at operator ng mga pampasaherong Jeepney, UV express at Multicab.

About The Author