Nasa 6,558 na trabaho-abroad ang alok ng Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga job seeker sa Independence Day Mega Job Fair, ngayong June 12.
Alas-10 kaninang umaga, umarangkada ang Job Fair sa Level 3, Robinsons Galleria, Ortigas Avenue, Ortigas Center, Quezon City na tatagal hanggang alas-4 mamayang hapon.
Ayon sa DMW, nasa 21 recruitment agencies ang makikibahagi sa job fair, 17 ay land-based habang 4 ang sea-based.
Pinapayuhan ang mga interesadong aplikante na mag register sa philjobnet.gov.ph para matukoy ang qualifications at trabahong maaari nitong apply-an.