dzme1530.ph

PBBM: Pilipinas, nahaharap sa matinding ‘tourism competition’ sa Asya

Nahaharap ang Pilipinas sa matinding kompetisyon sa turismo sa mga katabing bansa sa Asya.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Saud Beach Tourist Rest Area sa Pagudpud, Ilocos Norte inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maganda ang ginagawa ng Asian countries sa pagtataguyod ng kanilang turismo tulad ng Thailand, South Korea, Indonesia, At Vietnam.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na ang binuksang Tourist Rest Area ay mahalagang inisyatibo sa hangaring gawin ang Pilipinas bilang Tourism Powerhouse sa Asya.

Nais din nitong itaas ng sampung beses ang target na bilang ng mga turistang bibisita sa bansa.

Itinataguyod din ang pagpapagaan ng paglalakbay sa bansa sa pamamagitan ng pagsasaayos ng Regional Airports at mga pantalan.

About The Author