dzme1530.ph

Taas-singil sa kuryente, ikakasa ng Meralco ngayong Mayo

Magtataas ng P0.46 centavos ang singil sa kada kilowatt-hour ng kuryente ngayong Mayo, ayon sa Meralco.

Dahil sa dagdag-singil, tataas sa P11.41 centavos per kilowatt-hour ang overall rate para sa may billing mula sa P10.95 centavos per kilowatt-hour noong Abril.

Katumbas ito ng P92 na dagdag-singil para sa mga residential customer na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour; habang P231 naman para sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt-hour.

Ayon sa Meralco, ang taas-singil ay bunsod ng pagsirit ng generation charge dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM), at Power Supply Agreements (PSAs).

About The Author