Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Command Conference ng Philippine Army sa Malakanyang ngayong araw ng Martes, May 14.
Bandang alas-dos ng hapon kanina nang magsimula ang command conference sa Heroes Hall sa Palasyo.
Bukod sa Pangulo, dumalo din sa pagpupulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., Philippine Army Commander Lieutenant General Roy Galido, at iba pang opisyal.
Sa ngayon ay hindi pa ibinahagi ang agenda ng meeting ngunit mababatid na kahapon ay pinangunahan din ni Marcos ang command conference ng Philippine Air Force.