dzme1530.ph

LTO: show cause order vs. Vehicle dealers na bigong mag-release ng plaka

Nakapaglabas na ang Land Transportation Office (LTO) ng mahigit isandaang show cause orders laban sa mga dealer ng sasakyan na bigong mailabas ang mga plaka sa takdang oras.

Sa Press Briefing sa Malakanyang, inihayag ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza na pinagpapaliwanag ang mga dealer kung bakit hindi pa naibibigay ang mga vehicle license plates.

Ipinaalala ng LTO na sa loob ng labing-isang araw ay dapat paipasa na ng mga dealer ang license plates.

Samantala, pinaalalahanan din ang mga tauhan ng LTO na sumunod sa 5-day requirement sa paglalabas ng mga plaka, Official Receipt/Certificate of Registration (ORCR), at Radio-frequency identification (RFID) stickers.

Handa rin ang LTO na ipasara ang mga dealer at sibakin ang mga tauhang hindi susunod sa direktiba.

About The Author