dzme1530.ph

14 katao, patay sa pagbagsak ng billboard sa India

Hindi bababa sa 14 ang patay, habang mahigit 70 ang nasugatan, makaraang bumagsak ang malaking billboard sa kasagsagan ng malakas na ulan, sa Mumbai, India.

Ang nagngangalit na ulan ay sinamahan pa ng malakas na bugso ng hangin dahilan para tumaob ang billboard sa mga kabahayan at isang gasolinahan, sa Ghatkopar.

Kabilang din sa napinsala ang ilang mga nakaparadang sasakyan na nagmistulang mga nayuping lata.

Nagkaroon din ng temporary flight disruptions sa Mumbai Airport, kung saan 15 flights ang na-divert.

About The Author