dzme1530.ph

Drayber patay, 5 pasahero sugatan sa Camarines Sur

Isa ang patay habang limang iba pa ang nasugatan makaraang mahulog ang kanilang sasakyan sa tulay sa bayan ng Ragay, Camarines Sur.

Nangyari ang insidente alas onse y medya ng umaga, kahapon, sa Barangay Apad, sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.

Sa imbestigasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, patungong Naga City, Camarines Sur ang sasakyan mula sa Maynila nang mahulog sa tulay.

Bagaman hindi umano kataasan ang tulay ay bumagsak sa ilog nang pabaliktad ang sasakyan.

Nasawi ang driver habang ang limang sakay nito, kabilang ang isang bata ay nilalapatan ng lunas sa ospital.

About The Author