Naitala ang Debt-to-GDP (Gross Domestic Product) ng bansa sa 60.2% sa unang quarter ng 2024.
Ayon sa Bureau of Treasury, mas mababa ito kumpara sa 61.1% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, subalit mas mataas sa 60.1% noong huling quarter ng 2023.
Ngayong taon ay target ng gobyerno na maitala ang Debt-to-GDP ratio sa 60.3% at sisikaping maibaba pa sa 55.9% pagsapit ng 2028.
Hanggang noong katapusan ng marso ay bumaba ng 1.67% o sa P14.93-T ang utang ng pamahalaan mula sa record-high na P15.18-T noong katapusan ng Pebrero.