Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang sectoral meeting sa Malacañang kaugnay ng Micro, Small, and Medium Enterprises, at e-vehicles.
Sa pulong ngayong araw ng Martes, tinalakay ang MSME Development Plan 2023-2028 ng Dep’t of Trade and Industry.
Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa pulong sina Trade Sec. Alfredo Pascual, Labor Sec. Bienvenido Laguesma, Budget Sec. Amenah Pangandaman, at iba pang opisyal at miyembro ng gabinete.
Samantala, kasama rin sa paksa ng sectoral meeting ang e-vehicle industry.