dzme1530.ph

General Luna, Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang General Luna, Surigao del Norte, alas-12:06 ng hatinggabi.

Natukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na tectonic in origin na may layong 20 kilometro ang lindol.

Samantala, wala namang imprastruktura ang inaasahang napinsala sa nangyaring pagyanig, at hindi rin nakikitaan ng aftershock.