dzme1530.ph

ENERGY SECURITY AT DISASTER RESILIENCE, TUTUTUKAN SA ASEAN SUMMIT 2026, AYON SA PCO

Loading

Tatalakayin sa 48th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit sa Cebu ang mga paraan kung paano matitiyak ng member states ang energy security.

Pahayag ito ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez, sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Sa press briefing, sinabi ni Gomez na bilang ASEAN Chairman ngayong taon, ni-refocus ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agenda ng summit, para maisama ang energy security at unified response upang mapagaan ang epekto bawat member states.

Nakatakda rin aniyang talakayin ng ASEAN leaders ang pagpapalakas sa disaster resilience, ilang araw matapos ang ashfall dulot ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon na nakaaapekto sa iba’t ibang lugar sa Albay.

Ginawa ng kalihim ang pahayag sa opening ng ASEAN 2026 International Media Center sa Lapu-Lapu City sa Cebu bago ang summit sa May 7 to 8, 2026.

About The Author