dzme1530.ph

Panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo, umarangkada na

Panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang iindahin na naman ng mga motorista, ngayong Martes.

₱0.95 ang idinagdag sa kada litro ng diesel habang ₱0.40 naman sa gasolina.

Tumaas din ng ₱0.85 ang kada litro ng kerosene o gaas.

Matatandaang noong nakaraang Martes ay mahigit pisong taas-presyo ang ipinatupad ng oil companies sa mga produktong petrolyo.

About The Author