dzme1530.ph

Mga kaanak ni ex-Cong. Teves, umalis ng Timor-Leste

Namataan ang mga kaanak ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na paalis ng Timor-Leste.

Batay sa ulat, nasa anim na kaanak umano ni Teves ang sumakay sa isang private jet na may biyaheng Timor-Leste patungong Cambodia.

Si Teves na kinasuhan sa korte sa Pilipinas ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong march 2023, ay dinakip habang naglalaro ng golf sa isang driving range sa Dili, Timor-Leste noong nakaraang buwan.

Una nang sinabi ni NBI Director Medardo de Lemos na kailangan nilang maghintay na matapos ang proceedings sa Timor-Leste bago nila maiuwi sa bansa ang dating mambabatas.

About The Author