dzme1530.ph

Quiboloy, hindi maituturing na armado at mapanganib kahit nagmamay-ari ng 19 na baril

Hindi itinuturing ng PNP na “armed and dangerous” si Kingdom of Jesus Christ Founder Apollo Quiboloy na mayroong arrest warrant sa mga kasong sexual at child abuse, sa kabila ng nagmamay-ari ito ng 19 na iba’t ibang klase ng baril.

Ipinaliwanag ni PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo na sa ilalim ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, ang isang indibidwal, partikular kung isa itong certified gun collector o gun club member, ay maaring magmay-ari ng 15 registered firearms.

Ipinunto rin ni Fajardo na ang mga kinakaharap na kaso ni quiboloy, kasama ang mga co-accused nito, ay walang kinalaman sa pagmamay-ari nito ng mga baril.

Gayunman, aalamin pa rin ni Fajardo sa PNP Firearms and Explosives Office kung sapat na ground ang mga kaso ng kontrobersyal na pastor para bawiin at kanselahin ang kanyang license to own and possess firearms.

About The Author