dzme1530.ph

Umento sa pasahe sa halip na subsidiya, hirit ng ilang PUJ drivers

Aminado si LTFRB Chairman, Atty. Teofilo Guadiz III na mayroon pa ring problema sa pamamahagi ng subsidiya ng pamahalaan.

Sinabi ni Guadiz na nagkakaroon sila ng problema sa pagbabayad sa mga tricycle drivers dahil hawak ito ng Department of the Interior and Local Government.

Aniya, minsan ay kulang-kulang ang listahan kaya hanggang ngayon ay hindi pa nila naibibigay nang buo ang dati pang fuel subsidy na iniatang at ibinigay ng gobyerno.

Samantala, sa halip naman na subsidiya, ilang PUJ drivers ang nanawagan ng umento sa pasahe sa gitna ng fuel price hike.

About The Author