dzme1530.ph

Mga panukala para sa kapakanan ng mga beterano, isusulong

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan, nangako si Sen. Grace Poe na babalangkas ng mga panukala na nagsusulong ng pangangalaga sa kapakanan ng mga beterano.

Nakiisa ang senador sa pag-alala sa katapangan ng mga beterano na lumaban para protektahan ang bansa.

Sinabi ni Poe na responsibilidad ng gobyerno sa mga beterano at kanilang pamilya na ibigay ang nararapat na pangangalaga at suporta para sa kanila.

Ito aniya ang dahilan kaya’t sinuportahan nila ang panukala na nagsusulong ng pagtataas ng pensyon ng mga veterans with disability dahil sa pagkakasakit, karamdaman, sugat o anumang injury na natamo sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Umaasa ang senador na patuloy na kikilalanin ang kabayanihan at katapangan ng mga beterano lalo na ang mga nakipaglaban para sa ating teritoryo at soberanya.

About The Author