dzme1530.ph

₱21-M na halaga ng smuggled na sigarilyo, kinumpiska sa Sarangani

Aabot sa ₱21-M ang halaga ng mga sigarilyo na mula sa Indonesia ang kinumpiska sa anti-smuggling operation ng PNP, sa Glan, Sarangani.

Ayon kay Region 12 police Director Brig. Gen. Percival Placer, in-impound din nila ang ₱1.7-M na halaga ng watercraft kung saan isinakay ang mga kontrabando mula sa Tongkil Island sa Sulu patungong Bangsamoro Region.

Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng PRO-12, Sarangani Provincial Police Office, General Santos City Police, at Glan Municipal Police Station, ang shipment sa Tampat Point sa Batulaki, sa Glan.

Nasamsam sa naturang operasyon ang 1,075 cases ng sigarilyo mula sa Indonesia na ide-deliver sana sa mga customer sa iba’t ibang bayan sa Sarangani at kalapit na General Santos City.

About The Author