Nilisan na ng Israeli military ang Al-Shifa, matapos ang 14 na araw na pagsalakay sa pinakamalaking ospital sa Gaza.
Kinumpirma ng Israel Defense Forces (IDF) ang withdrawal kahapon, kasabay ng pagsasabing napaslang ng kanilang tropa ang mga militanteng Hamas at nakumpiska ang mga armas at intelligence documents.
Pinapurihan ni Israeli Defense Minister Yoav Gallant ang determinasyon at propesyonalismong ipinamalas ng IDF upang madurog ang terrorist base sa Al-Shifa.
Samantala, ayon naman sa civil defense sa Gaza, nagtulong-tulong ang mga medical crew para marekober ang mga nagkalat na bangkay sa hospital complex, na sa ngayon ay umabot na sa 300.