dzme1530.ph

PBBM, hinikayat ng kapatid na huwag magpagamit sa US

Nanawagan si Sen. Imee Marcos sa administrasyon ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na huwag magpagamit sa pamahalaan ng Estados Unidos kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea.

Sinabi ng Senadora na walang ibang makatutulong sa Pilipino kundi tayo-tayo rin partikular sa problema sa ating teritoryo.

Aminado rin ang mambabatas na hindi pa kakayanin ng bansa na tapatan ang superpower na China.

Kaya iminumungkahi ng Senadora sa Pangulo na palagiang buksan ang linya ng komunikasyon sa pagitan ng iba’t ibang level sa pagitan ng Pilipinas at China.

Naniniwala ang mambabatas na labis ang galit ng China sa Pilipinas simula nang pagbigyan ang sangkaterbang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) Sites sa bansa.

Una rito, sinabi ni Senator Marcos na wala siyang nakikitang mali sa pakikipagkasundo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China kaugnay sa usapin ng BRP Sierra Madre at sa West Philippine Sea.

Ayon sa senadora, praktikal lang ang dating Pangulo dahil ayaw niya ng gulo sa WPS.

About The Author