Mas kaunti ang pamilya ng mga nawawalang sabungero na dumalo sa case conference sa Department of Justice (DOJ).
Hindi rin dumalo sa meeting si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, subalit pinangunahan naman ito ni Assistant Secretary Eliseo Cruz Jr. na isang dating police official.
Ayon sa mga miyembro ng pamilya, nagkaroon ng kapabayaan ang mga humahawak sa kaso ng kanilang mga mahal sa buhay.
tiniyak naman ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, NBI, National Prosecution Service, at DOJ na ongoing ang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero.