Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tumaas na ani ng palay at mais sa bansa, sa kabila ng hamon ng El Niño o matinding tagtuyot.
Ayon sa Pangulo, tumaas ng 1.1% ang ani ng palay, habang sumipa naman ng 5.9% ang ani ng mais.
Sinabi naman ng National Irrigation Administration (NIA) na ang nasabing datos ay batay sa inilabas ng Philippine Statistics Authority.
Ibinida rin ni NIA Administrator Eduardo Guillen na 99% ng irrigated areas ang kanila nang napatubigan.
Malaking tulong din umano ang ginagamit na alternate wetting and drying technology kung saan 30% ng tubig ang kanilang natitipid.