dzme1530.ph

Princess Kate, humingi ng privacy sa publiko matapos ang pag-aming tinamaan ito ng kanser

Humiling ng privacy ang Prince at Princess of Wales ng United Kingdom sa publiko matapos ang naging pag-amin ni Princess Catherine Middleton na nasa early stage ito ng cancer treatment.

Bagaman hindi isiniwalat ng prinsesa ang uri ng kanyang cancer, inulan pa rin ito ng simpatya at samu’t-saring komento mula sa mga tao.

Sa isang video message sinabi ni Catherine na bagaman matagumpay ang kanyang adbominal surgery noong Enero, lumabas naman sa ilang tests na mayroon itong cancer.

Sa kasalukuyan aniya itong nagki- chemo theraphy at nasa maayos namang kundisyon.

Si Catherine ay asawa ni Prince William, ang tagapagmana ng trono ni King Charles III na sumailalim din sa gamutan noong Pebrero, dahil din sa kanser.

About The Author