dzme1530.ph

Mga empleyado ng Malacañang, hinimok ng Pangulo na maging simbolo ng husay, integridad, at pagmamalasakit ng mga Pilipino

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga empleyado ng Malacañang na maging simbolo ng husay, integridad, at pagmamalasakit ng mga Pilipino.

Sa kanyang mensahe sa selebrasyon ng ika-127 Anibersaryo ng Office of the President na binasa ni Executive Sec. Lucas Bersamin, inatasan ng Pangulo ang tanggapan na pagtibayin ang commitment sa pagbibigay ng mapayapa at produktibong buhay sa publiko.

Ito umano ang magbibigay-daan sa isang Bagong Pilipinas na taas-noong maipamamana sa mga susunod na henerasyon.

Nagpasalamat din si Marcos sa kanilang pagsisikap sa trabaho, at tiniyak nito na pinahahalagahan ang kanilang mga ginagawa.

Siniguro rin nito ang patuloy na pagkakaloob sa kanila ng suporta, resources, at mga oportunidad, kaakibat ng katagang “One Team, One Family”.

About The Author