Hindi dapat maapektuhan ang takbo ng proseso ng Resolution of Both Houses no. 6 ng Senado dahil lamang naipasa na ang economic charter change version ng Kamara.
Ito ang binigyang-diin ni Senador Imee Marcos kasunod ng pag-apruba sa Resolution of Both Houses no.7 sa Kamara.
Sinabi ni Marcos na hindi dapat makaimpluwensya at makaapekto sa takbo at paraan ng pagsasagawa ng deliberasyon ng Senado ang approval ng Kamara.
Ang isa anya sa pinakamahalagang isyu na dapat tugunan ay ang rules sa pagsasagawa ng botohan ng Constituent Assembly.
Muli namang tiniyak ni Senate subcommittee on Constitutional Amendments Chairman Senator Sonny Angara na mayroong sariling schedule ang mataas na kapulungan para sa chacha at hindi lang naman ito ang prayoridad ng Senado.
Wala rin aniyang pagbabago sa naunang inanunsyong schedule para sa RBH6 na target dalhin sa plenaryo bago ang SONA ng Pangulo sa July at sa Oktubre naman nakatakdang aprubahan ng Senado.