dzme1530.ph

21 lugar sa California, isinailalim sa state of emergency

Isinailalim na ang 21 lugar sa California bilang paghahanda sa posibleng malawakang pagbaha. 

Ito ang idineklara ni California Gov. Gawin Newsom matapos ang babala ng National Weather Service (NWS) na maaaring pumalo sa 15-M katao ang maaapektuhan ng malalakas na pag-ulan na magdudulot ng baha sa San Francisco Bay Area at Sacramento Region. 

Walang tigil na pag-ulan naman ang mararanasan sa Santa Cruz Mountains at magtutuloy-tuloy hanggang sa kabundukan ng Santa Lucia. 

Ayon sa mga otoridad mananatili silang nakatutok at magbabantay hanggang araw ng linggo. 

Samantala, pinalilikas na ng NWS ang mga residenteng malapit sa Big Sur, Carmel, Salinas at Pajaro Rivers.

About The Author